ang dating masaya na tambayan ko na ,libangan ko dati sa umaga ,ngayoy oras oras nasa icip ko na, masyado kong apektado,dahil mga mga mahal kong kaibigan ngayon may alitandoon sa aking kinababaliwang tambayan,hinahanap hanap ko ang kanilang biruan,kantahan lalo na ang kasiyahan,parang magkakapatid kung silay magturingan,pero ngayon ang inakala kong magkakapatid kanilang turingan ay napatid ,d ako napapagod abangan sa tuwina,mga kaibigan ko sa tambayan sa akiy napamahal na,dahil lang sa di pagkakaintindihan sila ay nagtatalo na,saan na ,saan na ang tambayang inicip ko noon na nagkakaunawaan....kung mag uusap lang sana na walang galit sa puso.alam ko at alam ng lahat ito ay mawawasto...sana lng o sana lng sa pagpasok ko sana sa aking tambayan,silay makikita kong muling nagkakasiyahan,pati ang kantahan ,lalo na ang biruan,maisip sana nila ang lahat ay napag uusapan lalo na kung titingin sa tagal ng pinagsamahanpara ang lahat ng alitan tuluyang wakasan....nakakamiss na talaga ang aking mga kaibigan lalo na ang mga datihan na una kong nakasama sa mahal kong tambayan... kakornihan mang sabihin lahat silay napamahal sa akin kahit d ko pa nakikita at nakakasama ng personal ang iba,sana lng malaman nila silay mahal ko na...
nasa icip ko ngayon maibabalik pa ba ang dating samahan at ang dating saya,sana lng nasa puso din nila na ang phil 9 ay naging daan upang kami ay magkakila kilala.alam ko d lng ang phil 9 ang pwedeng tambayan,pero papasok at papasok ako upang makasama at ako ay umaaasang maibabalik pa ang dating saya ng aming pagsasama sama,kasama araw araw sa aking dalangin ingatan sana mga kaibigan kong tinuring,at pati na rin ang aking hiling na sana maayos na anumang problemang dumating,na sana maayos na anumang alitan,na sana sila ay aking makasama at masilayan,alam ko itoy imposibledahil akoy umaasa lng lng,mahirap din sa katulad ko na sila ay masilayan ,sa isang mahirap na tulad ko baka silay maalangan...tama na siguro hilingin ko sa taas na lumikha na ang aming tambayan kanyang patnubayan ,isipan sana ng aking mga kaibigan ay tuluyang linawan, buksan ang kanilang mga puso,ng galit ay lumisan at ang lahat ng alitan ay tuluyang mawakasan....
nice mhine...ganda nmn ng mga nasabi mo..^_6
TumugonBurahinyeah im hoping too that everythings gonna be fine..^_^